Utang ng Napocor lumobo na sa P50-B

AYAW nang bigyan ng kapangyarihan ng Senado ang National Power Corporation (Napocor) na mangutang nang mangutang dahil lumobo na sa mahigit P50 bilyon ang kasalukuyang utang ng kompanya na malamang balikatin ng taumbayan.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on energy, sinabi ni Sen. Sergio “Serge” Osmena III na hindi na papayagan pang magkaroon ng kapangyarihan ang Napocor sa pangungutang o magbenta ng sapi sa pangambang matulad ang kompanya sa National Food Authority (NFA).

“As far as loans are concerned, we’re not going to give (Napocor) the authority to borrow unless it’s just for temporary funding shortfalls,” ayon kay Osmeña.

Ipinaliwanag ni Osmena na nais lamang ng Senado na maiwasan na maging katulad ng Napocor ang NFA na binibigyan ng subsidyo ng pamahalaan dahil naging dambuhala ang utang nito.

Nitong nakaraan, natuklasan na umabot sa mahigit P109 bilyon ang nalugi sa NFA simula noong 2001 hanggang 2009 dahil sa maling pamamalakad at maanomalyang importasyon ng bigas.

“Before we know it, you (Napocor) already borrowed P50 billion. We want to see how you’re going to use these funds and the type of cap I think that should be placed on your borrowings,” giit ni Osmena.

Sa kanyang opening statemeng, hiniling ni Napocor president Froilan Tampinco na payagan na silang makautang upang ipambayad sa principal at interes ng naunang utang at masustenahan ang pangangailangan ng suplay ng kuryente sa kanayunan.

Nagsasagawa ng elekripikasyon ang Napocor sa kanayunan sa pamamagitan ng Small Power Utilities Groups (Spug) ngunit nalugi ang ahensiya dulot nang kakapusan sa pondo.

“In the interest of national welfare and security, consider the restoration of our authority to borrow,” ayon kay Tampinco.

Nauna nang inihayag ni Energy Secretary Jose Rene Almendras na hindi na pinapayagan ang Napocor na mangutang matapos magpalabas ng opinyon ang Department of Justice (DOJ) na nagbabawal sa Spug na kumalap ng nagpapautang.

Umaabot sa 157 power plants ang ginagamit ng Napocor-Spug na may pinagsanib na aabot sa 200 megawats sa malalayong isla na hindi nakadugtong sa main power grid ng bansa.

Ayon kay Tampinco, hindi pinapayagan ng malaking bahagi ng operating budget ng Napocor na mabayaran ang kanilang pagkakautang at matiyak na magkaroon ng tuloy-tuloy at maaasahang suplay ng kuryente sa malalayong lugar.

“Simply stated, if the problem persists, there could be widespread outages in Spug areas,” giit niya.

Sinabi ng Napocor chief na dumadanas na ngayon ng paudlot-udlot at sunod-sunod na brownout sa unang bahagi ng taon sanhi ng naturang problema.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply