Utos ng MMDA dinedma ng kumpanya ng ‘killer bus’

BINALE-WALA ng Universal Guiding Star bus company ang ipinataw na suspensyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraang masangkot ang isa sa mga bus nito sa isang aksidente sa Commonwealth Ave., Quezon City, noong Biyernes, kung saan namatay ang journalist-professor na si Lourdes “Chit” Estella-Simbulan.

Bagama’t suspendido, patuloy ang pagbiyahe ng mga bus ng Guiding Star. Apat na yunit nito ang nahuli sa southbound ng Commonwealth Ave. kaninang umaga (Lunes).

Nang mahuli ang mga ito, kanilang ikinatwiran na pinahintulutan silang bumiyahe ng operation manager ng bus company dahil wala pa raw silang natatanggap na kopya ng suspension order.

Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin lumilitaw si Daniel Espinosa, ang drayber ng bus na nakapatay kay Estella-Simbulan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply