Van swak sa bangin. 3 na patay

TATLO na ang nasasawi makaraang mahulog ang isang Delica van sa malalim na bangin sa Barangay Tamboan, Besao, Mtn. Province.

Nabatid sa mga kamag-anak ng mga biktima na namatay din kagabi sa Bontoc District Hospital ang isa sa tatlong sugatan na si Marvin Sumayden, 33.

Una nang nasawi si Samson Buyagan, 51, barangay chariman ng Tamboan, at si Aedelyn Buyagan, 18, kapwa residente sa nasabing lugar.

Ginagamot din ngayon ang dalawa pang sugatan sa Besao District Hospital na sina Gracelyn Buyagan, 13, at Edison Buyagan, 6.

Lahat ng mga biktima ay pawang magkakamag-anak.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply