Van vs jeep: 11 sugatan sa killer highway

SINALPOK ng isang humaharurot na pampasaherong dyip (PXD-475) ang isang Misubishi L-300 (UMD-960) sa Commonwealth Avenue na tinaguriang “killer highway” sa tapat mismo ng Ayala techno hub malapit sa Philcoa sa lungsod Quezon.

Labing-isa ang nasugatan sa naturang aksidente, kabilang ang pitong pasahero ng dyip at apat na lulan ng van. Ang nasa pinakamalubhang kalagayan ay kinilalang si Jessie Fernandez na kinailangan pang lagyan ng neck brace dahil sa lubha ng tama nito.

Ayon sa driver ng van na si Benjamin Ponferrada Pasio, Jr., galing umano sila ng UP at umikot sila sa U-turn ng bigla silang banggain ng dyip.

Patuloy na itinatanggi ng driver ng dyip na mabilis ang kanyang pagpapatakbo. Sa sobrang lakas ng impact ay humiwalay ang katawan ng van sa ulo nito.

Ayon sa mga MMDA traffic officers, mabilis umano ang takbo ng dyip dahil umabot pa ng halos 200 metro ang layo sa pinangyarihan ng maihinto ito. Tanggal ang bumper ng dyip at lusaw rin ang wind shield nito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply