Vendor kulong sa pagtitinda ng pirated, bold DVDs

SWAK sa kulungan ang isang vendor matapos maaktuhang nagbebenta ng mga pirated, bold DVDs sa Caloocan City, Miyerkules ng gabi, Mayo 25.

Nakilala ang nadakip na si Paquito Tatoy, 22, ng Longos, Malabon City.

Ayon sa imbestigasyon, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa pagbebenta ng mga x-rated na DVD si Tatoy sa Langaray Market sa lungsod ng Langaray.

Dakong 7:30 ng gabi, pinuntuhan ng mga pulis ang nasabing palengke at naaktuhang nagbebenta si Tatoy ng kanyang mga paninda.

Agad itong dinampot at dinala sa presinto upang masampahan ng kaukulang kaso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply