Vendor tinaniman ng bala

NAMATAY habang isinusugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang isang 22-anyos na vendor matapos barilin ng dalawang hindi pa nakikilalang riding-in-tandem sa Tondo, Manila nitong Biyernes ng gabi, Mayo 6.

Kinilala ang biktima na si Albert Mangila habang mabilis namang sumibat papalayo ang mga hindi nakilalang salarin.

Batay sa ulat, dakong 10:30 ng gabi nang maganap ang nasabing krimen sa panulukan ng Mayhaligue at Jose Abad Santos Avenue sa Tondo.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nitong Mayo 5 ay nahuli umano si Mangila sa kasong droga ni PO2 Jessie Leonardo na isa sa tauhan ni P/Supt. Ernesto Tendero Jr., Station Commander ng MPD-Moriones Police Station 2.

Sinamahan nina PO3 Manuel Garbin at isang PO2 Roberto Benitez si Mangila para dalhin sa Manila Prosecutors Office sakay ng tricycle na mimaneho ng isang Aries Bantula.

Pagsapit sa nasabing panulukan ay sumulpot ang umano’y dalawang lalaki na armado ng baril at biglang binaril ang biktima.

Isinugod ng nagulat na mga escort si Mangila sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay. Rene Crisostomo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply