Vice Mayor Isko Moreno di lalabanan si Lim

“HINDI ko kakalabanin si Manila Mayor Alfredo Lim. Wala akong planong tumakbo bilang alkalde ng lungsod hanggat tumatakbo pa siya.”

Ito ang mariing inihayag at tiniyak ni Manila Vice Mayor Isko Moreno taliwas sa mga bulung-bulungan na nakatakda umano itong tumakbo sa darating na 2013 local elections.

Sa kanyang pakikipagpulong sa mga kasalukuyang barangay chairmen at ex-chairmen sa Chinatown area, direktang sinagot ni Moreno ang nasabing mga balita kung saan ipinagtataka umano nito kung saan naggaling ang tsismis.

“Uulitin ko, walang katotohanan `yan.  Hindi ako tatakbong mayor sa 2013,”ayon kay Moreno.

Muling iginiit ni Moreno ang kanyang buong pagsuporta sa alkalde, na patuloy din naman ang pagsuporta sa kanya at sa kanyang mga proyekto.

Dagdag pa ni Moreno, hindi niya kakalabanin si Lim at ang nasabing balita ay pawang mga gawa-gawa lamang ng karamihan na gusto silang pag-awayin ng alkalde.

“Whoever is or are spreading these baseless rumors have only evil intentions in mind and that is to disrupt the smooth workflow in City Hall, sow division and intrigue and open up an opportunity for our detractors to take advantage of,” ayon pa kay Moreno.

Si Moreno at Lim ay kapwa magtatapos ng kanilang termino sa taong 2016.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply