Victory day sa Lady Eagles sa Shakey’s V-League ngayong gabi

SUSUNGKITIN na ngayong hapon ng Ateneo Uiversity Lady Eagles ang korona ng Shakey’s V-League first conference sa pakikipagpaluan sa Adamson University Lady Falcons sa FilOil Flying V-Arena sa San Juan City.

Nakauna na (1-0) sa best-of-three finals ang Katipunan-based team ni Coach Charo Soriano sa pagpapasadsag sa San Marelino Lady Falcons ni Coach Dulce Pante.

Pinadapa ng Lady Eagles sa una nilang salpukan noong Linggo ang Lady Falcons sa sets na 23-25, 25-18, 25-20, 25-20 sa sigasig nina two-time most valuable player Kesinee Lithawat na nagtala ng 24 puntos kabilang dito ang 7 blocks, most improve player awardee na si Fille Cainglet at Alyssa Valdez.

Sa mauunang laro alas-dos ng hapon sa pagitan ng Saint La Salle-Bacolod at National University Lady Bulldogs ay tatangkain na rin ng Sampaloc Tossers na makuha ang 3rd position sa sariling best-of-three encounter na kung saan magaan na naipanalo ng surprised semifinalist ang unang salpukan.

Mga Laro Ngayon
(FilOil Fying V Arena)
2 ng hapon – St. La Salle vs NU
4 ng hapon – Ateneo Lady Eagles  vs Adamson Lady Falons

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply