Victory Liner bus sumirko; 6 sugatan

BUMALIKTAD ang isang bus ng Victory Liner sa national highway sa Tumauini, Isabela kaninang madaling-araw, Mayo 25. Anim na pasahero ang sugatan.

Nilalapatan na ng lunas sa ngayon ang mga nasugatan sa isang pribadong ospital sa Tuguegarao City.

Nagtamo ng mga sugat ang mga ito nang sumirko ang naturang bus bandang 3:30 ng madaling araw sa palikong bahagi ng national highway sa Barangay Liwanag.

Ayon sa report, ang bus na may body number na 2118 at plate number CWR 668. Ito ay minaneho ni Rene Pasane ng Lubao, Nueva Ecija at galing ito sa Metro Manila patungong Tuguegarao City.

Nabatid pa sa imbestigasyon na inantok umano si Pasane kaya’t mawalan siya ng kontrol sa manibela at bumaliktad ang minamanehong bus.

Kinilala naman ang mga sugatan na sina Edwin Decamo ng Dagupan City, Pangasinan; Calixto at Juanito Asuncion ng Alcala, Cagayan; Yolanda Liquigan ng Tuguegarao City; Amante Felipe ng Cabatuan, Isabela, at Andrew Basilang ng Nueva Vizcaya.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply