Video karera talamak pa rin sa Maynila

TALAMAK pa rin ang operasyon ng video karera sa lungsod ng Maynila nang masamsam ang mahigit sa 100 nito sa pagsalakay ng Manila Police District (MPD) at ng Manila Department of Social Welfaresa iba’t ibang lugar ng lungsod Martes ng umaga, Mayo 10.

Nakumpiska ng MPD ang 80 video machine habang 22 naman ang nakumpiska ng MDSW.

Ayon kay Jay Dela Fuente, head ng MDSW, sa kanila itini-turn-over ng bawat istasyon ng MPD ang mga nakukumpiskang devil machines.

Ang mga nakumpiskang iligal na video game machine ay winasak kaninang umaga sa pangunguna ni Manila MayorAlfredo Lim kasunod ng seremonya sa paggunita ng ika-114 death aniversary ni Gat Andres Bonifacio.

Isinagawa ang nasabing pagsalakay sa loob dalawang linggo sa iba’t ibang lugar sa Maynila base na rin sa kautusan ni Mayor Lim na bahagi ng kampanya laban sa mga iligal na sugal.

Ani Dela Fuente, nababahala na ang mga magulang dahil sa marami ang nalululong sa nasabing sugal kabilang na ang mga menor-de-edad. Aniya, inilalagay rin ang mga nasabing iligal na video machine malapit sa mga eskuwelahan at maging sa simbahan.

Base naman sa pahayag ng mga nahuling operator ng naturang sugal, ang may-ari ng mga ito ay may alyas na Gina Gutierrez na siya ring alyas na nakatatak sa mga VK na nakumpiska.

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang kampanya ng lokal na pamahalaang Maynila na sugpuin ang mga iligal na sugal sa lungsod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply