Villar pinakamayaman pa rin sa mga senador

TULAD ng inaasahan si Senador Manny Villar pa rin ang pinakamayamang senador sa bansa habang si Senador Antonio Trillanes naman ang pinakamahirap.

Base sa kanilang isinumiteng Statement of Liabilities (SAL), si Villar ay may kabuuang P725, 221, 964 milyong kayamanan, samantalang si Trillanes ay may P3.8 milyon lang.

Pangalawa sa mayamang senator si Senador Ralph Recto na mayroong P418.5 milyon, pangatlo si Senador Bongbong Marcos na may P311.5 milyon, sinundan nina Senador Ramon Revilla Jr., P125. 8 milyon, Senate President Juan Ponce Enrile na may kabuuang P116 milyon; Senador Jinggoy Estrada P93.6 milyon, Senador Sergio Osmena na P82.3 milyon,  Senador Teofisto Guingona P74 milyon,  Senador Edgardo Angara P70 milyon, Senador Tito Sotto III P49 milyon, Senadora Loren Legarda P45, 545, 565; Senador Juan Miguel Zubiri P41.2 milyon, Senadora Miriam Defensor-Santiago P40.3 milyon, Senador Franklin Drilon P33.4 milyong, Senador Panfilo Lacson P24.7 milyong, Senador Gregorio Honasan P19.3 milyiong, Senador Lito Lapid P18.9 milyong, Senador Allan-Peter Cayetano P15.9 milyon, Senador Francis Pangilinan na may P12.4 milyon at Senador Francis Escudero, P8 milyon.

Hindi naman malinaw ang SAL ni Senadora Cayetano dahil batay sa kanyang isinumite ay walang nabago sa kanyang ari-arian at SAL na isinumite noong nakalipas na taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply