VIP treatment sa mga Ampatuan pinaimbestigahan

PINAIIMBESTIGAHAN ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang ulat na may special treatment sa mga akusadong Ampatuan.

Ayon sa Chief Executive na nais niyang malaman kung totoo sa balitang ito.

Sa kabilang dako, bahala na si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo na halungkatin ang usaping ito.

“Meron nga pong lumabas na mga reports to that effect na nakakalabas nga daw po and I think one particular report even said that he was seen dining in the Sofitel. For the time being, Sec. Robredo has already administratively relieved ‘yung JCI in charge of that and pending po ‘yung investigation and si Sec. Robredo has already invited Gov. Toto Mangudadatu and his lawyers to provide inputs. May mga pinakita po silang mga photograph, so ang gusto lang po ni Sec. Robredo is ma-verify ‘yung time and date kung kelan po nakuha ‘yung mga litrato na ‘yon para ma-imbestigahan ‘yung mga alegasyon,” paliwanag ni Deputy Presidential spokesperson Atty. Abigail Valte.

Base sa mga naglalabasang balita at larawan, malayang nakaikot sa kulungan si Andal Ampatuan Sr. na isa sa pangunahing suspek sa Maguindanao massacre.

Binigyang diin nito na dapat lamang na nasusunod kung ano ang tama sa loob ng kulungan at dapat pantay-pantay.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin natatanggap ng Pangulo Aquino  ang report ng DoJ panel hinggil sa paglabas ni dating Batangas Gov. Antonio Leviste sa kulungan.

Magkagayon man ay nagpahiwatig ito na sisibakin niya sa puwesto si BuCor chief Ernesto Diokno dahil sa kapalpakan sa trabaho.

Tiniyak naman ng Pangulo na idadaan sa tamang proseso ang bagay na ito. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply