VIP treatment sa NBP, iimbestigahan ng Kamara

HINDI palalagpasin ng Mababang Kapalungan ng Kongreso na siyasatin ang pagbibigay ng VIP  treatment sa mga mayayamang personalidad na nakakulong sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa at iba pang kulungan sa bansa kaya nakalalaya ang mga ito.

Ayon kay House majority floor leader Neptali Gonzales, Jr., maituturing na isang malaking  pagkakamali at kapabayaan ng mga opisyales ng Bureau of Corrections ang nabuking na pagpapalaya kay dating Batangas Governor Antonio Leviste mula sa kaniyang kulungan.

Tiniyak ni Gonzaloes na kahit kaalyado ng Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang pinuno ng Bureau of Correction (BuCor) na si General Ernesto Diokno ay kinakailangang managot ito dahil sa nasabing pagkakamali.

Hinikayat naman ni CIBAC partylist Rep. Sherwin Tugna si BuCor Dir. Ernesto Diokno para magbakasyon o kaya naman ay suspendihin ng kaniyang mga higher authority upang huwag ng mabahiran ng duda ang gagawing pagsisiyasat, lalo’t may iba pa umanong mga inmates na sinasabing nakakalabas din ng kulungan.

Iginiit din ng ilang militanteng mambabatas na hindi dapat matapos lamang sa pagbabalik-selda kay Leviste kundi kailangang may managot at maparusahang opisyal dahil sa napakalaking kapabayaang ito.

Si Leviste ay nahuli ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa basement ng kanyang pag-aaring gusali sa Makati. Ito ang pinakahuling pagkakataon na nakalabas mula sa kulungan nito sa NBP.

May-ulat na matagal na itong ginagawa ng dating gobernador ng Batangas base sa mga hawak ng ibidensya na nakuhaan sa video ang paglalakwatsa nito sa labas ng bilangguan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply