De Lima: May bagong testigo sa Vizconde case

KINUMPIRMA ni Justice Secretary Leila de Lima na may bagong testigong lumutang na posibleng magturo sa mga bagong suspek sa Vizconde massacre case.

Ayon sa kalihim, ang witness na nakatakdang isailalim sa polygraph test ay nagbigay na ng statement sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ang testigong ito, na sinasabing pangalawang breakthrough sa re-investigation sa pagpatay sa mag-iinang Vizconde, ay lumapit umano sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) upang kumanta.

Sinabi ni De Lima na tatlo sa suspek na posibleng masampahan ng kaso ay nasa ibang bansa, ngunit mayroon ding nandito pa sa Pilipinas.

Gayunman, tumanggi si De Lima na ihayag ang pagkakakilanlan ng mga suspek dahil kailangan pang tiyakin kung kapani-paniwala ang testimony nito bago ibunyag sa publiko.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply