Visiting Forces Agreement ipinababalasa

NAIS ipabalasa ni Sen. Loren Legarda ang umiiral na Visiting Forces Agreement sa harap ng mga ulat na magtatagal ang pananatili ng mga sundalong Amerikano sa bansa kapag naisumite ng gobyerno ang report hinggil dito sa Senado.

Ayon kay Legarda, C-Chair ng Legislative Oversight Committee on VFA (LOVFA), kailangan munang maisumite ng government panel ang ulat sa Senado bago simulan ang pagbalasa sa VFA na tutugon sa interes ng bansa.

“With this report, the Senate can proceed with its review of the treaty,” giit ni Legarda.

Sinabi ni Legarda na naiintindihan ng komite ang pananaw ng ilang stakeholders sa VFA partikular ang paratang na one-sided lamang ang kasunduan kabilang ang pagtatagal ng pagbisita ng sundalong Amerikano sa ating bansa.

Kabilang din sa inaangal ng ilang nationalists at human rights group ang kustodiya ng sinumang US military personnel na lumabag sa ating bansa tulad nang panggagahasa sa Subic noon sa isang Filipina ni Corporal Daniel Smith.

“The Senate is duty-bound to oversee the implementation of the VFA. In fact, the LOVFA already conducted a hearing in November 2010 to jumpstart the Senate review process. We need, however, to await the review by the Executive branch. The VFA Commission assured us it will forward its report to the Oversight Committee once it is done reviewing the Agreement. Hopefully, that will be completed soon,” paliwanag ng senador.

“We will look at the recommendations of the VFA Commission, taking into full consideration the views of all stakeholders. At the end of the day, the Senate will decide with one goal in mind—to serve the best interest of the Filipino people,” patapos ni Legarda.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply