Voters’ registration simula na – Comelec

HINIMOK ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko na magtungo na sa mga Comelec offices na malapit sa kanilang lugar upang makapagpatala para sa susunod na halalan sa bansa.

Ito’y kasunod nang pormal nang pagsisimula nitong Martes, Mayo 3, ng voters’ registration sa mga lugar na hindi sakop ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), maliban lamang sa unang distrito ng Ilocos Sur.

Unang itinakda ng Comelec ang registration sa mga non-ARMM areas noong Abril 1, 2011, ngunit nagpasya itong gawin na lamang itong Mayo 3.

Ito ay dahil batay sa Comelec Resolution 9168, kinakailangan ng mga regional election directors nila ng karagdagang oras para makabili at makapag-deliver ng mga kagamitan para sa registration  sa mga tanggapan ng mga provincial election supervisors.

Inaasahan namang magtatapos ang registration hanggang sa Oktubre 31, 2012 upang mapaghandaan naman ng poll body ang susunod na national elections sa Mayo 2013.

kinakailangang personal na magtungo sa Office of the Election Officer sa lungsod at munisipalidad na malapit sa lugar kung saan siya naninirahan, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, Lunes hanggang Sabado, para magpa-register, magpa-transfer ng registration records; magpa-change o correction ng entries sa registration records; at reactivation ng registration records.

Ang kinakailangan lamang umano ay magdala ang mga ito ng anumang balidong identification card para sa kanilang pagkakakilanlan.

Paalala pa ng Comelec, ang sedula at anumang barangay certification ay hindi kikilalanin ng poll body bilang balidong identification documents.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply