‘Wag insultuhin ang RH bill advocates- Lacson

NAKIUSAP si Sen. Panfilo Lacson sa Simbahang Katoliko na huwag insultuhin ang mga pro-Reproductive Health bill sa kanilang sermon habang nagmimisa.

Ang panawagan ni Lacson ay ginawa makaraang dumalo sa isang misa noong Linggo kung saan ay napakinggan nito ang ginawang pang-iinsulto ng isang pari sa RH bill advocates.

Ayon kay Lacson, habang nakikinig siya sa sermon ng pari ay napuna nitong may mali sa mga paliwanag nito.

Halimbawa, aniya, mali ang pagkakabanggit umano ng pari na nile-legalize ang abortion sa RH bill.

Idinagdag ng senador na walang pagkakataon ang mga pro-RH bill na nasa loob ng simbahan na ihayag ang kanilang panig.

Aniya pa, hindi itamang lugar ang pulpito upang talakayin ang nasabing isyu.

Kaya’t nananawagan si Lacson sa simbahan na dapat na ipagpatuloy na lamang ang dialogue ukol sa kontrobersyal na panukalang batas, kung nais ng mga ito na magkaroon ng karagdagang pagdinig sa Senado.

“Huwag natin daanin sa pang-iinsulto, na-experience ko mismo sa aking pagsisimba sa pagtapos ng misa, siguro mga ten minutes, na iniinsulto o inaalipusta ang mga advocate ng RH bill. “ ani Lacson.

Hindi lamang sa simbahan umaapela ang senador kundi maging sa iba’t ibang religious group at RH bill advocates na huwag idaan sa pang-iinsulto ang pagpapaliwanag sa naturang kontrobersya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply