Waiter ng Bay View Hotel todas sa saksak

HINDI na  nagawang maisalba ang buhay ng 23-anyos na waiter ng isang hotel matapos pagsasaksakin sa harapan ng Cowboy Grill sa Ermita, Manila iniulat ng pulisya.

Nitong Biyernes ng 9:40 ng gabi nang bawian ng buhay sa Ospital ng Maynila, dahil sa dalawang malalalim na saksak si Jose Erick Rivera, waiter ng Bay View Hotel, ng Blk.25 Lot 22-A -4 Brgy.Capri, Novaliches, Quezon City.

Patuloy namang inaalam ang hindi pa natutukoy na suspek, na mabilis na tumakas bitbit ang patalim na ginamit sa biktima.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Jose Gumilan, may hawak ng kaso ng MPD-Homicide  Section, nitong Huwebes ng 2:20 ng madaling-araw nang maganap ang pananaksak sa biktima sa harap mismo ng Cowboy Grill sa panulukan ng Mabini at Arquiza Sta., Ermita.

Nabatid sa ulat, matapos umanong lumabas ng trabaho si Rivera ay naisipan nitong magtungo sa Cowboy Grill.

Hinala ng pulisya na nang malasing na ang biktima ay ipinasya nitong umuwi na pero napagtripan ng ilang tambay sa lugar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply