Waiter ng Bayview Hotel tinarakan

PATAY ang isang 23-anyos na waiter sa isang kilalang hotel matapos itong saksakin ng ‘di nakilalang  sa tapat ng Cowboy Grill sa Ermita, Maynila, Sabado ng madaling araw, Mayo 21.

KInilala ni P/Insp.Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District Homicide Section, ang biktima na si John Eric Rivera, binata, waiter sa Bayview Hotel.

Sa report ni PO2 Jose Gumilan, dakong alas-2:20 ng madaling araw nang maganap ang insidente.

Nabatid na hindi nakilalang lalaki umano ang lumapit sa biktima at bigla na lamang itong sinaksak habang ito ay nakatayo sa tapat ng Cowboy Grill.

Sa ngayon ay blangko pa ang awtoridad sa pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo nito sa pananaksak sa biktima.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa pangyayari. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply