Walalng ‘ligtas-huli’ stickers – MTPB

TINIYAK ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na hindi nila tatantanan ang mga driver na hindi sumusunod sa  regulasyon gayundin ang mga gumagamit ng pangalan ng kanilang tanggapan para sa umano’y koleksiyon.

Ayon kay  Maria Norissa Villanueva, hepe ng  MTPB,  patuloy at regular ang kanilang ginagawang monitoring at paghuli sa mga driver na lumabag sa dress code at walang  driver’s license gayundin sa gumagamit ng iba’t-ibang sticker upang makaligtas sa huli.

Nabatid na sa report nina Sector 1 at Sector 2 Commanders Democrito de Luna at Agamer Abam, nakahuli sila ng walong driver ng pampasaherong jeep na walang driver’s license at walang prangkisa. Agad na dinala sa impounding area ang mga nahuling jeep.

Lumilitaw na ang operasyon ay bunsod na rin sa impormasyong natanggap nina  Erwin  Bautista at Mark Whittmer,  MTPB Traffic Sector 2 enforcers,  na ang mga pampasaherong jeep na may biyaheng MCU-Divisoria at  Munoz- Vito Cruz  ay ligtas umano sa  mga huli bunsod na rin ng kanilang “lagay” sa pulis at mga city hall officials sa pamamagitan ng sticker.

Ang mga nasabing stickers daw sa windshield ng mga PUJ ay “ligtas-huli.”

Subalit ayon kay Villanueva, wala silang inilalabas na anumang mga sticker  upang magsilbing code sa koleksiyon kapalit ng paghuli. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply