Walang pambayad sa motel nanawagan sa radyo

ISANG 47-anyos na seaman ang nanawagan sa isang radio station upang humingi ng tulong sa kanyang asawa at mga kamag-anak matapos inireklamo ng estafa dahil sa hindi pagbabayad  sa tinuluyang motel sa Molo, Iloilo City at maging sa babaeng kanyang kinuha para magbigay aliw sa ulat ng pulisya.

Ayon sa report na nakarating sa Camp Crame, hindi nagawang bayaran ng seaman na si Serbacio del Castillo ang kanyang bill sa  motel kung saan siya nag check-in kasama ng isang  21-anyos na babae para sa isang short time stay.

Dahil limitado ang kinuhang oras ay kinatok sila ng roomboy nang hindi pa lumabas sa itinakdang oras ng check-out, subalit umabot na sila ng anim na oras ay ayaw pa rin silang pagbuksan ng lalaki kaya napilitan ang roomboy na tumawag ng pulis.

Maliban sa motel, hindi rin nabayaran ng salarin ang 21-anyos na babae na kanyang kasamang nag-check-in kaya pinasyang dalhin na lamang ang lalaki sa   police station at  ikinulong.

Sinasabing habang nasa police station ay nagawa pa ng lalaki na makiusap sa isang radio sttaion sa Iloilo upang manawagan sa kanyang asawa na nasa Washington St., Sara, Iloilo para  puntahan siya sa Molo Police Station at dalhan ng pagkain at  perang pambayad sa babae at motel na kanilang ginamit.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply