Walang Pinoy na naipit sa kaguluhan sa Syria– DFA

ITINANGGI ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may mga Filipinong naipit sa gulo sa Syria, taliwas sa naunang ipinahayag ng isang militanteng organisasyon.

Sa isang kalatas, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, mariing itinanggi ng Embahada ng Pilipinas sa Damascus na may namatay o nasugatan sa mga naganap na kaguluhan sa Syria.

Batay sa iniulat ng Migrante International noong Linggo, may dalawang overseas Filipino worker (OFW) ang naipit umano sa kaguluhan sa Damascus noong Abril 29. Inutusan umano ng kanilang amo ang dalawang OFW na bumili sa isang tindahan nang tamaan ang mga ito ng ligaw na bala.

“The Embassy contacted its area coordinators, its volunteers from the Filipino community and other sources in Syria to verify the report.  These sources all informed the Embassy that no such incident happened,” pahayag pa ni Ambassador to Syria Wifredo Cuyugan sa kanyang ulat kay del Rosario.

Sinabi pa ng embahada na walang naganap na demonstrasyon sa Syria noong Abril 29 dahil dumanas ang bansa ng matinding hailstorms o pagbagsak ng mga yelo.

“Bukod dito, ang Abril 29 ay pumatak sa araw ng Biyenes kung saan karamihan ng tindahan ay sarado. Tsaka imposibleng utusan ng kanilang employer ang mga OFW na lumabas ng bahay sa gitna ng matinding bakbakan at mga kilos-protesta,” dagdag pa ni Cuyugan.

Matatandaan na noong Abril 26, nagdeklara ang kagawaran ng alert level 2 sa Syria kung saan pinagsabihan ang mahigit sa 17,000 Pinoy doon na maging maingat sa paglabas ng kanilang mga tinitirhan dahil sa nagaganap na kaguluhan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply