Walang tax na ipapataw sa lotto winners – PCSO chair

NILINAW ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairperson Margie Juico na walang katotohanan ang mungkahing papatawan ng buwis ang lotto winners.

Ang mungkahing 20% tax deduction sa lotto winners ay umugong noong Huwebes, Mayo 26, na sinundan ng magkakasalungat na opinyon ng ilang mananaya.

Ayons sa ilan, kahit kalahati lang ng jackpot ang ipagkaloob ay payag sila kung sila ang papalaring makasapul sa winning combination, samantalang sabi ng ilan, malaki na ang napuhunan nila at napakahirap na matiyambahan ang tatamang kumbinasyon.

Ang pinakamalaking jackpot prize ay naitala sa P741 milyon noong draw ng Nob. 29, 2010 na napanalunan ng isang balikbayan mula New York na tinamaan sa isang lotto outlet sa Subic Bay Freeport habang nagbabakasyon ang pamilya sa Pilipinas. Radito Torres

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply