Water tank sumabog: 1 patay, 3 sugatan

HINDI na umabot nang buhay sa pagamutan ang 32-anyos na lalaki, habang tatlo pa ang nasugatan, matapos sumambulat ang water tank sa Pier 16, North Harbor, Huwebes ng umaga sa Tondo, Manila.

Si Larry Murados , may asawa ay namatay habang isinusugod sa Mary Johnston  Hospital, habang ligtas naman sa kapahamakan at binigyan lamang ng 24 oras para palabasin sa pagamutan sina Edison Daan; Jonathan Montalbo at Daniel Flores, pawang trabahador din sa nasabing lugar.

Batay sa naantalang ulat na ipinarating sa tanggapan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 9:00 ng umaga, nang maganap ang insidente sa loob ng compound ng MMSI sa Pier 16.

Nag-we-welding si Murados sa tanke ng tubig, nang bigla itong sumambulat at tamaan sa mukha at katawan ang biktima, kasama ang tatlo pa.

Sabay-sabay na isinugod sa nasabing pagamutan ang apat, subalit napuruhan si Murados na hindi na umabot nang buhay sa pagamutan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply