Welder dinayo ng kaaway para itumba

PATAY ang isang welder matapos pasukin at barilin sa loob ng kanyang bahay ng dumayong kaaway sa Caloocan City, Biyernes ng umaga, Mayo 20.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa ulo si William Badadilla, 36, ng Sampaguita St., Maligaya Park, Camarin, nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Ricardo dela Cruz Jr., nasa hustong gulang ng Moriones, Tondo, Manila.

Sa ulat, dakong 9 ng umaga, nasa loob ng kanilang bahay ang biktima nang pasukin at putukan ng suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek kung saan inaalam na ng mga pulis ang motibo sa pamamaslang.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply