Wesley So yuko sa 4th round sa 10th Asian Continental Individual Chess Championship

NATALO si Filipino Grandmaster (GM) Wesley So (2667) sa kanyang 4th round match akontra kay Indian GM Adhiban B (2543) tangan ang disadvantageous black pieces sa fourth round ng 10th Asian Continental Individual chess championships at the  Hotel Pardisan in Mashhad, Iran nitong Huwebes.

Dahil sa natamong pagkatalo, si So, ang 2009 Corus C champion ay napako sa 2 points. Nakisalo si Si sa 21st hanggang 34th place kasama sina compatriots GMs Mark Paragua (2542) at John Paul Gomez (2538). Si Paragua, ang 2003 Southeast Asian Games most bemedalled athlete ay draw sa 4th game kay GM  Anuar Ismagambetov (2500) ng Kazakshtan tangan ang black pieces habang si Gomez ay draw din kay IM Das Debashis (2392) ng India tangan ang white pieces.

Sa isang banda, tinalo ni IM Oliver Barbosa (2506) si FM Al-Ali Hussein Ali Hussein (2394) ng Iraq tungo sa total 2.5 points, kaparehas ng puntos na naitala ni countryman GM Darwin Laylo (2516), na draw kay GM Zhao Jun (2574) ng China.

Sina Barbosa at Laylo ay magkasalo sa 8th hanggang 20th place.

Tinalo ni GM Yu Yangyi (2646) ng China si FM Amirreza Pourramezanali (2330) ng Iran para makisalo sa first place kay over-night solo leader countryman GM Bu Xiangzhi (2662) ng China na draw kay GM Pentala Harikrishna (2666) ng India. Sina Yu at Bu, au may tig 3.5 points sa prestigious, nine-round competition na sinagawa para mag determina sa region’s four representatives sa 2011 World  Cup in Khanty-Mansiysk, Russia.

Sa fifth round, makakalaban ni Laylo  si top seed GM Rustan Kasimdhanov (2685) ng Uzbekistan, karibal ni Barbosa si Zhao, katapat ni Gomez si Wang Chen (2436) ng China, kakrus ng landas ni Paragua si IM Alavi Sayed Javad (2428) ng Iran at kalaro ni So si IM Vidit Santosh Gujrathi(2495) ng India.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply