WHO pabor RH bill

PABOR ang World Health Organization (WHO) na magkaroon ng batas sa family planning sa Pilipinas dahil mahalaga umano itong elemento para sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

“The Philippines will not maximize or will not achieve its potential in socio-economic development without having a very clear policy on reproductive health,” ani WHO country representative Dr. So Nyunt-U.

Sinabi ni So na maaaring sa ilalim ng isang administrasyon ay may mga programa itong ipatupad para sa family planning na posibleng hindi naman ipatupad ng susunod na administrasyon.

Partikular aniyang makikinabang sa family planning ay ang mga mahihirap na ayaw nang magkaanak ngunit hindi naman alam kung paano ito mapipigilan.

Nilinaw naman ni So na siya ay isang pro-life at pro-choice na tao at ayaw aniya niyang makita na ang isang babae ay sasailalim sa aborsiyon upang maiwasan lamang ang pagbubuntis.

Una nang uminit ang isyu ng RH bill sa bansa matapos na mismong si Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang magpahayag ng suporta rito. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply