Win no. 2 kakanain ng Smart Gilas Pilipinas

TARGET ng Smart Gilas Nationals ang ikalawang panalo sa 22nd FIBA Asia Champions Cup sa Phil Sports Arena sa Pasig City.

Makababangga ng Smart Gilas ang Malaysian team na katatawanin ng Kuala Lumpur Dragons na humalili sa koponan ng Thailand na pinatawan ng suspension ng FIBA.

Unang binuno ng Philippine team ang Al Ittihad ng Saudi Arabia sa iskor na 101-69 na halos kapantay na kalamangan sa kanilang tune-up games noong Miyerkules, 99-66.

Si 6’9” Japeth Aguilar ang tinanghal na best player of the game sa 20 puntos na itinarak kabilang ang isang dumagundong na slam dunk sa third quarter.

Nakitaan ng paglaban ang Al Ittihad sa first quarter sa iskor na 19-16 kalamangan ng RP team sa pangunguna sa panig ng kalaban na Vladislao Dragajarco na tumutal ng 18 puntos.

Sa iba pang laro, pinadapa ng Applied Science University ng Jordan ang Duhok ng Iraq, 74-66, nagpalabas ng pwersa ang back-to0back champions Mahram ng Iran sa paglupig sa AL Jalaa ng Syria, 86-59, sa Group B na giniba naman ng Al Riyadh ng Lebanon ang United Arab Emirates 109-90 sa main game.

Bukod sa engkuwentro ng Smart Gilas at Kuala Lumpur Dragons ala-6  ngayong hapon, kahaharapin ng Mahram ng Iran ang UAE sa main game.

Ang Saudi Team ang magbubukas ng quadruple game laban sa Iran  Duhok na susundan ng Qatar AL Kayyan kontra AL Jalaa ng Syria.

Ang laro ng RP Team vs Malaysia at ng Iran vs UAE ay ipalalabas nang live sa telebisyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply