‘Winner-take-all’ ng Lady Eagles, Lady Bulldogs

ISANG ‘winner-take-all’ Game 3 ang paglalabanan ng Ateneo Lady Eagles at National University Lady Bulldogs kasunod ng kontrobersyal na panalo ng Katipunan-based volleybelles laban sa Lady Bulldogs noong Mayo 5.

Nauwi sa wala ang panalo ng Lady Eagles sa Lady Bulldogs ng ma-forfiet ang panalo nila sa unang laro, samantalang nai-rehistro ng Adamson Lady Falcons ang unang slot sa finals kasunod ng apat na sets na panalo sa USLS-Bacolod Lady Stingers sa The Arena sa San Juan City.

Sinagasaan ng trio ng San Marcelino-based volleybelles na sina Angelina Benting, Nerissa Bautista at Pau Soriano ang USSL Stingers, 26-24, 22-25, 25-17, 25-17 tungo sa first finals berth ng Shakey’s V-League Season 8.

Ang 25-27, 25-14, 25-16, 25-10 na panalo ng Lady Eagles noong Mayo 5 ay binawi dahil sa pagpapalaro kay libero Bea Tan bilang regular na miyembro ng koponan na taliwas sa panuntunan na dapat na ang isang player na libero, na itinuturing na isang defensive specialist, ay hindi maaaring maglaro bilang regular player.

Sa idinaos na second game sa Best-of-3 sa pagitan ng Ateneo at National University ay ibinunton ng mga players ni Coach Charo Soriano ang pagkaka-forfeit ng first game sa pagtatak ng panalo, 25-14, 25-18, 25-20 straight sets para magpantay sa 1-1 ang bakbakan ng dalawang college teams.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply