Wizards at Elite unahan sa PBA D-League quarters

MAGUUNAHAN sa quarterfinal berth ang Blackwater Elite at ang PC Gilmore Wizards sa Group A habang susungkitin ng FCA Cultivators laban sa 0-4 win-loss record holder na Café France sa Group B ng PBA D-League Foundation Cup sa San Andres Gym sa Malate, Maynila mamayang alas-kuwatro ng hapon.

Kapwa tangan ang 3-2 win-loss slate ay magkakana sa kanilang final game para makasama ng NLEX Road Warriors (4-1) na awtomatikong tangan na ng isa sa dalawang upuan sa quarters habang ang ibang team sa kabilang grupo ay maglalaban pa kung sino ang papasok sa natitirang slot.

Wala pang nakatitiyak sa quarterfinals sa Group B. Ang FCA Cultivators ay umaasang makapasok sa quarters base sa resulta ng upset win nila sa paboritong Maynilad Water Dragons, 77-67, at sa magaang laro nila laban sa Café France mamayang hapon ng alas-dos.

Nangunguna at maglalaglagan sa Group B ang mga team na Cobra Energy Drink, Cebuana Lhuillier Gems at Max! Bond Super Glue na pawang magkakasama sa 3-1 win record sa kani-kanilang mga nakatakdang labanan. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply