Yang basketball ng mga sundalo

NAGING kontrobersiyal ang pakikipagbasketbol ng mga sundalo sa mga suspek sa Ampatuan masaker.

Ang sabi ng mga onorabol, iimbestigahan at aarestuhin nila ang mga sundalo na sangkot dito.

Beri gud. Pero paano na lang kung hindi naman kilala ng mga sundalo ang mga suspek?

Marami kasing sundalo riyan ang binunot at inilipat at pinagpapalitan ng mga bago at walang malalim na pagkilala sa mga suspek sa krimen makaraang maganap ang Maguindanao masaker.

oOo

Tingnan natin ang iba pang pakikipagbasketbol ng mga sundalo sa ibang lugar.

Sa kuwento ng mga taga-barangay, maraming beses na at hindi mabilang sa daliri ang pakikipaglaro ng mga batang Kampo Aguinaldo sa mga kumrad na Neps.

Sa kagustuhan ng mga sundalo na maipakitang hindi sila dapat katakutan ni Juan kundi kabalikat, yang pakikipagbasketbol ang isa nilang paraan ng pakikipagkaibigan kay Juan.

Sa maraming pagkakataon, hindi namamalayan nina sarhento na mga kaaway na pala nila sa giyera ang kanilang mga kalaro. Yang pakikipagbasketbol din pala ang istayl ng mga kumrad sa pakikipagkaibigan kay Juan.

Pero karaniwang walang nangyayari dahil ang mga may alam sa katauhan ng mga kaaway ng may kaaway ay hindi basta nagngangangawa at nagmama-Makapili.

Mahirap yatang gapusin ka ng magkabila para isalbeyds, noh.

Palagay natin ay ganito rin ang nangyari sa mga sundalong nakipagbasketbol sa mga masaker suspek.

oOo

Pero sakaling kilala ng mga sundalo ang mga suspek pero wala silang ginawa kundi makipaglaro, eh, di tuluyan ang mga yan.

Ang tanong, eh, may warrant of arrest ba ang mga sundalo para gapusin ang mga suspek kung kilala nga nila ang mga ito?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply