Yumayaman sina PNoy, humihirap si Juan

BAD nyus talaga ang dumarating sa mga obrero. Consuelo de bobo na nga lang ang ibinigay nina PNoy na umento kaugnay ng Mayo 1 o Araw ng mga Obrero, lalo pang dumarami ang istambay sa kanilang hanay.

Ayon sa sarbey ng Social Weather Station, mula sa 9.9 milyon noong nakaraang Nobyembre, lumobo ang bilang ng mga unemployed sa 11.3M nitong nakaraang Marso. Tumutugma ang lumabas sa kanilang sarbey sa sinasabi mismo ng gobyerno na tumaas ang bilang ng mga tambay sa parehong panahon.

At alam ba ninyo ang kapuna-puna, Suki? Nasa 9% sa 11.3M tambay ang nawalan ng trabaho dahil sa hindi pagka-renew ng kanilang kontrata.

oOo

Bigla tuloy natin naalala ang  10 biktima ng Endoc (End of Contract) na naging ating kapitbahay.

Umupa sila ng isang apartment makaraan silang masibak sa ika-5 buwan ng kanilang trabaho.
Nag-antay sila ng muling tawag umano sa kanila ng employer pero pinalayas na sila ng may apartment, ni ho ni ha mula sa employer ay wala silang narinig.

oOo

Sa kabilang banda, nagpipiyesta sina PNoy sa laki umano ng kinita ng gobyerno na P26 bilyon nitong nakaraang Abril.

Ipinakikita lang umano nila na wais at matipid sila sa paghawak ng pondo ng gobyerno.

Pero teka, hindi man lang nila nabanggit na galing sa pawis at dugo ni Juan, sa idinagan nilang expanded value added tax lalo na sa langis  ang pinakamalaki sigurong parte ng kanilang kinita.

At ngayon ay tiyak nang magkakaroon ng pondo sa kanilang sahod, public-private partnership na may malalaking komisyon at pork barel ng mga mambabatas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply