‘PhilHealth Sabado II’ idinaos sa mga public schools

SABAY-SABAY inilunsad ang pagtatala ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa humigit kumulang 100 pampublikong paaralan sa buong kapuluan.

Sa Gitnang Luzon, idinaos ang “PhilHealth Sabado II” sa Arayat West Central School sa Pampanga; Limay Elementary School sa Bataan; San Marcelino Elementary School at Masinloc North Central Elementary School sa Zambales; Camiling Central School sa Tarlac; Camias Elementary School sa San Miguel, Bulacan; General Tinio Central Elementary School at Cuyapo Central School sa Nueva Ecija.

Samantala, nakansela naman ang mga pagtatala sa Floridablanca East Central School sa Pampanga, Cong. Erasmo R. Cruz Memorial Central School sa Bocaue, Bulacan, at Dilasag Central School sa Aurora dahil sa masungit na panahon.

Ayon kay PhilHealth regional information officer Ruth Gladys Carlos, layunin ng kanilang ikalawang nationwide registration day na hikayatin ang mga magulang at kaanak ng mga mag aaral at maging ang mga non-teaching personnel gaya ng mga janitor na maging miyembro ng PhilHealth upang sila ay magkaroon ng proteksyon pinansyal kapag sila ay na-ospital o nangailangan ng serbisyong medikal.

Bukod sa pagpaparehistro ng mga bagong miyembro, hangad din ng “PhilHealth Sabado II” na ipaalam sa mga kasama nito ang mga benepisyo medikal na nasa ilalim ng National Health Insurance Program (NHIP) at kung paano ito makukuha.

Ang Universal Health care ang centerpiece ng health agenda ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sa kanyang inagurasyon noong nakaraang taon, inilahad ng Pangulo na target ng kanyang administrasyon na gawing bukas ang mga serbisyong pangkalusugan sa lahat ng Pilipino partikular sa pinakamahirap sa loob ng tatlong taon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply