‘Pulis Ko, Titser Ko’ muling binuksan

MULING binuksan ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) na pinamumunuan ni Provincial Director Police Senior Superintendent Ericson T. Velasquez ang proyektong “Pulis Ko, Titser Ko” noong Hunyo 15-16 sa Kanlurang Mayao Elementary School sa Barangay Kanlurang Mayao at East VI Elementary School sa Barangay 8 ng Lucena City.

Umarangkada muli sina Titser/Police Inspector Elena N. Eleazar, Titser/Senior Police Officer 4 Elynor T. Paulite at Titser/Police Officer 3 Ma. Rona G. Calma, mga miyembro ng Police Community Relations Branch (PCRB) at Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng QPPO, sa kanilang pagtuturo sa dalawang klase ng mga mag-aaral na Grade 4  ng mga nabanggit na eskuwelahan.

Ang mga Pulis-Titser ay nakatakdang magturo tuwing Miyerkules, ika-3:00 ng hapon sa paaralan ng Kanlurang Mayao at sa East VI tuwing Huwebes ika 4:00 ng hapon na tatagal ng humigit kumulang sa 45 minuto bawat klase sa loob ng tatlong buwan.

Matatandaan na ang nasabing proyekto ay sinimulan noong nakaraang taon kung saan ang bawat himpilan ng pulisya ng PRO CALABARZON ay inatasan na mag-adopt ng eskuwelahan upang makapagsilbi sa mga mag-aaralat ang mga bata ito ay maturuan at magabayan ng kapulisan.

Nilalayon ng nasabing proyekto na ituro sa mga mag-aaral ang pagiging makabansa, pagsunod sa umiiral na batas, katangian ng Pilipino at pagiging responsableng bata at mamamayan. Randy Nanadiego

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply