‘Right choice’ si Mar sa DoTC

MARAMI ang nabulaga sa biglaang pagtatalaga kay ex-Senador Mar Roxas sa Department of Transportation and Communication.

At pati ang Chokepoint, nagulat sa aksiyon na ito ng Pangulong Noynoy Aquino. Kumbaga, ginulat ng Pangulo ang sambayanan.

Bago kasi ang appointment sa DOTC, ibinabalita na ng Palasyo ang  napipintong pagtatalaga kay Roxas bilang Presidential ‘Chief of Staff.’

Tila, sinadya ng tadhana na hindi makukuha ang CoS position dahil sa biglaan namang pagbibitiw ni Sec. Ping De Jesus sa DOTC.

Pero sa ganang atin, tama ang desisyon ni PNoy  sa pagpili kay Roxas na papalit kay De Jesus sa departamentong ito ng gobyerno.

‘Right Choice’ si Roxas  dahil  makatutulong siya sa pagsasakatuparan ng mga reporma na nais isagawa ni PNoy sa ahensya.

Sa kuwalipikasyon, ‘di matatawaran si Roxas. Siya’y naging senador, kongresista at humawak ng iba’t ibang posisyon sa gobyerno.

Walang makapagsasabi na siya ay  korap, na may ginawang kalokohan sa  mga nakaraan niyang pagtatrabaho sa pamahalaan.

Sa madali’t sabi, ito ang mga katangian  ni Roxas na  naging basehan ni PNoy para italaga sa premier department na ito.

Batid natin na ang DOTC ay isang ahensya na may malalaking proyekto na ang dapat humawak ay taong maaasahan.

Alam din natin na ang departamentong ito ay naging ‘milking cow’ ng mga korap na opisyal ng nakaraang administrasyon.

At para ‘di na maulit ang nangyaring kalokohan sa departamentong ito, kailangan ni PNoy ang isang  ‘Mar Roxas.’

Besides, matagal nang magkakilala sa serbisyo-publiko ang Pangulo at si Roxas, kaya paniwala natin, sila’y at ease na sa isa’t isa.

Napakaraming komplikadong problema sa DOTC, pero sa pagdating ni Roxas, siguradong mareresolba ang mga ito.

Walang duda, isang asset si Roxas sa  Aquino Administration. Kaya irespeto natin ang desisyon ng Pangulo. Hayaang umandar ang bagong liderato sa DOTC at susunod ang paghuhusga, kung kinakailangan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply