“JJ”

DUMADAMI raw ang child laborers sa Pilipinas at dumadami din daw ang mga drug couriers na mga bata.

Ang sabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nakaka-alarma ang pagdami ng mga batang nasasangkot sa pagtutulak ng iligal na droga, mga bata mula 7 hanggang 17 taong gulang.

Sabi ng PDEA, dahil daw siguro sa batas na bawal makulong ang mga menor de edad kaya ginagamit sila ng  mga sindikato. Sa isyu ng mga child laborers, naging masigasig ang pagsita at paghuli sa mga batang hindi nag-aaral. Pero malalim ang isyung ito dahil sabi ng ilang mga magulang na nahuhuli, eh ano magagawa daw nila kung wala silang pera para pangpaaral ng anak.

Ang katuwiran naman na pang sagot dito, libre naman ang magpa-aral sa mga public na paaralan kung talagang ipipilit ng bata at magulang. Pero ang balik na alibi, hindi naman matrikula lang ang kailangan para makapag-aral, marami pang gastusin. Ano nga ba ang magagawa ng lokal na pamahalaan kung ang dahilan na hindi nakakapag-aral ang mga bata ay ang kahirapan. Dagdag dagok sa ating sambayanan ang balita ng dumadaming mga batang kriminal.

Isinisisi ito ng mga awtoridad sa batas na tinatawag na Juvenile Justice Law, ang batas na nagbibigay ng kaibang parusa sa mga batang law offenders na hindi sila dapat ikulong kasama ng iba pang kriminal dahil sila ay menor de edad. Sinasamantala daw ng mga halang ang kaluluwa ang paggamit sa mga bata dahil magaan ang kamay ng batas sa mga ito. Kumplikado ang “JJ” law, maraming taon ang ginugol sa pagaaral nito na ang objective ay ang kapakanan naman ng mga bata na naliligaw ng landas.

Hindi ako sang-ayon na isisi sa “JJ” law ang dumadaming mga batang kriminal. Kung maninisi man tayo ay lahatin na natin – ang kahirapan, ang korapsyon, ang edukasyon, ang simbahan, at ang sirang pamilya. Ang pag-aayos sa mga bulok sa ating sistema ay hindi pwedeng isisi sa isang institusyon lamang. Umpisahan natin sa pag-amin na lahat tayo ay may nagawang mali at umpisahan natin ang pag-aayos sa ating mga sarili.

Mag text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag- email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply