1 kawatan todas sa engkuwentro

HUMANTONG sa madugong engkuwentro ang ikinasang police checkpoint sa Taytay, Rizal, Sabado ng madaling araw nang mapatay ang isa sa dalawang pinaniniwalaang holdaper.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t-ibang parte ng katawan ang suspek na inilarawang nasa pagitan ng edad na 30-35, 5’4”, medium built at nakasuot ng lavender na short pants, kulay asul na t-shirt at nakatsinelas lamang.

Ikinasa na rin agad ng pulisya ang pagtugis sa kasamahan ng napatay na holdaper.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang engkuwentro dakong alas-2:00 ng madaling araw sa isang checkpoint.

Bago ito, pinara ng mga pulis sa isang checkpoint ang mga suspek pero imbes na tumigil ay pinaharurot ang kanilang sinasakyang motorsiklo.

Hinabol naman agad ng mga pulis ang mga ito  pero ang nakaangkas ay biglang tumalon at tumakbo sa hindi malamang direksyon habang ang nagmamaneho naman ng motorsiklo ay kumasa pero tumimbuwang din agad sa kalsada.

Ipinapalagay naman ng pulisya na dala ng tumakas na suspek ang epektos o kanilang mga ninakaw na gamit mula sa kanilang biniktima. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply