1 naitalang patay kay ‘Falcon’

ISA na ang naiulat na namatay sa pananalasa ng bagyong Falcon sa apat na rehiyon sa bansa.

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, namatay sa pagkalunod si Ranny Bernardo sa Hagonoy, Bulacan.

Sugatan naman sa buhawi sa Quezon City si Lily Rose Cecista, habang 17 pa ang nawawala kabilang ang 13 sa Region 5,  dalawa sa Region 3  at isa sa Cordillera.

Naitala naman sa P54,086,592.90 ang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura sa Regions 3, 4A at 5.

Umabot sa 155,591 pamilya o katumbas ng 723,371 katao ang naapektuhan ng kalamidad mula sa 540 barangays sa 56 munisipalidad at 18 lungsod sa Regions, 3, 4A, 5 at NCR.

Umakyat naman na sa spilling level ang tubig sa Ambuklao, Binga at Ipo Dams kaya’t binuksan na ang mga gate nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply