Suspek sa Maguindanao massacre arestado

NAARESTO ng awtoridad ang isa na namang suspek sa brutal na Maguindanao massacre at nakumpiska din ang daan-daang bala sa isinagawang raid sa bayan ng Mamasapano, Maguindanao, Sabado ng gabi, ulat ng miltar ngayon.

Ayon kay Col. Prudencio Asto, public affairs officer ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, nasakote ang suspek na si Tommy Masukat sa bisa ng warrant of arrest kagunay sa pagkakasangkot nito sa November 23, 2009 massacre na pumatay sa 57 katao karamihan dito ay pawang mga mamamahayag.

Sa report si Masukat, nasakote ng mga elemento ng 45th Infantry Battalion, 14th Mechanized Company, 1st Military Intelligence Battalion, at inagapayanan ng mga tauahan ng Philippine National Police (PNP) dakong 8:30 Sabado ng gabi habang nagtatago sa loob ng isang bodega sa Manungkaling village.

Nabatid sa ulat na ang bodega ay pag-aari ni Akmad Tato Ampatuan, ang vice mayor sa naturang lalawigan na nagkataong wala sa lugar nang isagawa ang pagsalakay.

Umaabot sa 90 suspek, kabilang ang dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr, ay kasalukuyang naka-detain dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa naturang masaker.

Itinuturong mastermind sa pagpatay ang mga Ampatuan.

Nakumpiska ng militar at pulis sa loob ng bodega ang 22 rounds ng 81 mm mortar, 12 rounds ng 57 mm recoilless rifle, dalawang rounds ng 90 mm recoilless rifle at 163 rounds ng bala para sa  cal. 50 light machine gun.

Nakuha rin ng militar at pulis ang maraming armas at bala na posibleng itinago makaraang maganap ang masaker.

Sinabi pa ni Asto, inaasahan pa nilang makukuha ang marami pang armas sa tulong ng mga sibliyan at intelligence officers.

Matatandaan na nitong nakaraang Hunyo 11, nahukay ng puwersa ng gobyerno ang mga armas at war material na hinihinalang pag-aari ng mga Ampatuan doon din sa Mamasapo. Kabilang sa mga nahukay ang mga M16 rifles, dram-dram na machine guns, bipods, at mahigit sa 200 bala ng mortar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply