1 patay, 1 kritikal sa pamamaril sa Kyusi

PATAY ang 73-anyos na lalaki habang nasa sugatan naman ang kasamahang lalaki sa bahay samantala masuwerte namang nakaligtas ang isang babae makaraan pagbabarilin ng armardong lalaki sa nasabing lungsod, Martes ng gabi.

Dead on arrival si Marcelino Rorsa, habang inoobserbahan dahil sa malubhang kondisyon sa New Era General Hospital ang ikalawang biktima na si Alexander Sabalsa, 30, bahagya namang nasugatan ang saksi na si Juliet Belsa, pawang ng 536 Cabigo St., Brgy., Commonwealth Quezon City.

Inilarawan ni P/Supt Ronie Montejo hepe ng Batasan Police Station 6 ang tumakas na suspek, alyas Waway, nasa pagitan ng 35-40, may taas na 5 talampakan at nakasuot ng dilaw na t-shirt at maong pants.

Base sa ulat ni PO3 Alden Lasam, naganap ang isidente bandang 9:30 ng gabi sa nasabing bahay ng mga biktima.

Sinasabing ang tunay na punteryang patayin ng suspek ay si Sabalsa dahil umano sa iligal na aktibidades nito sa kanilang lugar.

Lumitaw sa pagsisiyasat na nasa loob ng kanilang bahay si Sabasal nang pumasok ang suspek tangan ang hindi pa mabatid na kalibre ng baril at walang sabi-sabing pinaputukan siya.

Dahil sa patuloy na pagputok ng suspek ay nahagip at napuruhan si Rorsa habang bahagyang nasugatan si Belsa.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumalilis ang suspek patungo sa hindi pa mabatid na lugar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply