1 patay, 1 nawawala kay bagyong Egay

ISA ang iniwang patay habang isa rin ang iniulat na nawawala sa Bataan sa kasagsagan ng bagyong “Egay” na nagdulot ng malakas na ulan sa ilang parte ng bansa.

Kinilala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council NDRRMC ang biktima na si Mary Joy Reyes habang ang nawawala naman si Dorina Reyes, kapwa taga-Bataan.

Si Mary Joy, 3-anyos, ng Barangay Tipo Dinalupihan, Bataan ay namatay sanhi ng pagkalunod habang si Dorina Reyes, 5-anyos, ng Barangay Tipo, Dinalupihan, Bataan ay iniulat na nawawala.

Binaha tin ang Bataan at Bulacan noong Lunes ng hapon sanhi ng high tide at malakas na pagbuhos ng ulan na naapektuahn ang may 14 villages.

Ang mga naapektuhang barangay sa Bataan ay ang Padre Dandan, Pentor at Mabini villages sa Dinalupihan (knee-high floods).

Sa Bulacan naman ay kabilang ang Balungao at Corazon sa Calumpit (one foot high); Bayugo, Poblacion, Longos at Bancal (Meycauayan); at Abangan Norte, Maria Socorro, Abangan Sur, Ibayo, Poblacion 2 at Nagbalon (Marilao).

Sa kabilang dako, naitala ng NDRRMC ang isang landslide sa Olongapo City dakong 2:45 Lunes ng hapon na naapektuhan ang Kalaklan, Mabayuan at Gordon Heights villages.

May 13 pamilya o 48 katao ang naapektuhan at apat sa pamilyang ito o 23 katao ang inilikas sa Mabayuan village hall.

Samantala, ang lifelines sa Ilocos, Cagayan Valley at Central at Southern Luzon ay operational, at ang national roads ay nadadaanan at ang linya ng tubig, kuryente at komunikasyon ay gumagana, ayon sa NDRRMC.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply