1 patay, 3 sugatan sa nag-amok na parak

ISA ang patay habang tatlo pa ang malubhang nasugatan matapos pagbabarilin ng isang pulis habang naglalaro ng cara y cruz sa isang lamay sa Sta. Ana, Maynila.

Binawian ng buhay dakong alas-5:40 Linggo ng hapon, Hunyo 19, ang biktimang si Apolonio Torres alyas Polon, 28.

Inoobserbahan naman sa Sta. Ana Hospital ang mga sugatan na sina Eduardo Vidar, 28, Ruelo Matias, 29, at si Fernando Morales, 41.

Tinutugis nman ang suspek na si PO1 Sonny Merino, nakatalaga sa Pasig Police Station sa Eastern Police District (EPD).

Sa imbestgasyon ni SPO1 Milbert balinggan, dakong alas-9:30 ng umaga nitong Linggo ay naglalaro ang mga biktima ng cara y cruz sa lamay ng kanilang kapitbahay.

Nairita umano si Merino sa ingay ng mga ito kaya pinaulanan ng bala gamit ang kanyang 9mm service firearm kaya tinamaan si Torres sa ulo na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Ang suspek ay sasampahan ng kasong homicide, multiple frustrated homicide at administratibo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply