1 patay sa salpukan ng apat na sasakyan

ISA ang patay nang araruhin ng isang 6-wheeler dump truck ang tatlong sasakyan sa Davao City, kahapon, Hunyo 28.

Kinialala ang nasawi na si Imie Belardo habang ilang katao pa ang isinugod sa pagamutan.

Batay sa ulat ng Highway Patrol Group, dakong 3:30 ng hapon nang maganap ang aksidente sa Mcarthur Highway sa panulukan ng Santos Cuyugan Avenue sa Matina.

Tumatahak sa pababang bahagi ng lugar ang Isuzu 6-wheeler dump truck (LAP 834) na minananeho ni Hendry Villarobiabengil ng Maa, Davao City patungong Quimpo Boulevard nang mawalan ng preno.

Sinalpok nito ang isang Suzuki Multicab PUV (LWJ 712) na minamaneho ni Rene Aurellana; Bachelor bus na minamaneho ni Eduardo Perez at Kia Pride Sedan taxi (LWN 608) na dala-dala ni Elezer Tarongoy.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa aksidente habang inihahanda na ang kaso laban sa driver ng dump truck.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply