Pugante sa Pateros jailbreak sumuko

ISA sa apat na takas na bilanggo na may iba’t ibang kaso ang muling isinadlak sa kulungan matapos itong madakip  ng mga elemento ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pateros, Metro Manila noong Linggo ng umaga sa Sitio Moonlight, Barangay Hagonoy, Taguig City.

Nakilala ang nahuling bilanggo na si Erwin D. Constantino, 24, na nahaharap sa kasong robbery at hold-up.

Madaling natunton si Constantino sa kanyang pinagtataguan nang malaman ng mga alagad ng batas na nakikipagpalitan ito ng mga text message sa kanyang kasintahang si Juvy L. Anastacio, 30.

Sumuko ng payapa ang takas na bilanggo ng himukin ito ng kasintahang si Juvy.

Samantala, patuloy pa rin ang ginagawang pagtugis ng mga pulis sa iba pang takas na bilanggo na sina Rowel F. Labios alyas “Weng,” 27, at Antonio T. Reyes alyas “Pido.”

Sina Weng at Pido ay kasama ni Constantino na nahaharap sa magkakatulad na kaso, habang ang isa pang takas na bilanggo na si Teotemo Laderas ay nahaharap naman sa kasong paglabag sa Sec. 11 R.A. 9165.

Sinabi ni SPO1 Danilo Servacio na sinamantala ng apat na bilanggo ang bagyong si Falcon upang tumakas.

“Sinaliwan nila ng kanta ang paglalagari (ng selda) kaya hindi iyon napansin ng bantay,” aniya.

Sinabi pa ng awtoridad na may binuo nang hakbang ang kanilang tanggapan upang matunton at muling mahuli ang iba pang takas na bilanggo. PP Corpus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply