1 sundalo patay, 6 sugatan sa sagupaan

ISANG kagawad ng Philippine Army ang napaslang, habang anim na mga kasamahan nito ang malubhang sugatan, matapos ang isang engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at New Peoples Army (NPA) sa bayan ng Pantukan, Compostela Valley province sa ulat ng military nitong Lunes.

Sa ulat, pansamantalang hindi muna inihayag ang pangalan ng napatay na sundalo habang tumutupad ng tungkulin  hangga’t hindi pa naipababatid sa pamilya nito.

Samantala kinilala sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo ang mga sugatan na sina 1st Lt. Abelardo Silva, Jr., lider ng Bravo Company sa ilalim ng 71st Infantry Battalion Philippine Army, Pfc. Joselito Baniquid, Pfc. Danilo Prides, Jr., Pfc. Jaypee Puyaw, Pfc. Marvin Tomas, Pfc. Bañega at Pfc. Balotoc.

Ayon kay Lt. Col. Lyndon Paniza, spokesperson ng 10th Infantry Division, lubhang outnumbered ang kanilang mga tauhan ng banggain ang may 70 Communist Party of the Philippines (CPP)-NPA.

Sinasabing nakasagupa ng militar ang NPA na nasa ilalim ng Pulang Bagani Command na pinamumunuan ng isang “Kumander Lando” na aktibong kumikilos sa bayan ng Pantukan.

Kaugnay nito, sinisiguro ni Paniza na nalagpasan na ng mga sugatang sundalo ang kritikal condition matapos malapatan ng lunas sa Camp Panacan Hospital at sa Southern Philippines Medical Center.

Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang Philippine Army laban sa mga tumatakas na elemento ng Pulang Bagani Command.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply