10 drug dens sa ARMM nalansag ng PDEA

AABOT sa 10 drug dens ang umano’y nalansag ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na ikinadakip naman ng 109 drug personalities, sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), iniulat kahapon.

Ang nasabing operasyon ay sinimulan pa noong Enero batay sa kautusan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

“The syndicates operated these drug dens as accessible facilities to transact illegal drug businesses and present a convenient place where clients can consume the drugs they purchased, all in one place. Tiangge, on the other hand, are drug dens clustered in one area or location,” napag-alaman sa PDEA.

Iniulat ng PDEA na ang naturang dens ay ino–operate umano ng isang kilalang “drug personality” na nasa agency watchlist.

Anila, ang 10 drug dens ay nadiskubre nitong taon sa ARMM, dalawa sa Region 9, at tig-iisa sa Regions 10, 11, at 12.

Nalansag naman sa dako ng Luzon at Visayas ang may anim na drug dens, lima sa Region 6, isa sa Region 7, tigatlo sa mga lalawigan ng Calabarzon at sa Metro Manila.

Ayon kay PDEA director, Gen. Jose Gutierez, Jr., mas pinaigting nila ang kanilang kampanya laban sa droga para malansag ang lahat ng drug den at shabu tiangge sa ARMM batay na rin sa direktiba ng Pangulo para maging drug free ang bansa.

Ito rin ay upang paigtingin ang kampanya laban sa droga sa naturang rehiyon na may pinakamaraming bilang ng drug-related incidents.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply