10 mangingisda nawawala ‘matitigas ang ulo’

KINUMPIRMA ni National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRM) executive director Benito Ramos na nawawala ang sampung mangingisda sa lalawigan ng Cataduanes.

Nabatid na ang sampung mangingisda ay mga residente ng San Vicente, Virac, Catanduanes.

Napag-alaman na binalaan ng lokal na opisyal ng NDRRMC ang mga mangingisda sa paglabas sa dagat dahil sa mapanganib ang maglayag sanhi ng bagyong “Falcon,” subalit tumuloy pa rin ang mga ito.

Sinisi naman ni Ramos ang mga mangingisda dahil sa katigasan ng ulo ng mga ito.

Patuloy naman umano ang ginagawang rescue operation ng Coast Guard at Philippine Nava sa mga ito.

Nabatid na lulan ang mga ito ng tatlong bangka at pinaniniwalaan ng magkakalapit lang sila.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply