10 patay sa pagbaha sa Mindanao

LUMOBO pa sa 10 ang bilang ng mga namatay sa patuloy na pagbaha sa Region 11, Region 12 at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), walo sa mga namatay ay residente ng North Cotabato province, isa sa Cotabato City at isa sa Davao del Norte.

Dalawa naman ang nasugatan pero hindi nakuha ang kanilang mga pangalan.

Lumobo na rin sa mahigit 129,000 na pamilya o katumbas ng 560,000 na katao ang apektado ng kalamidad.

Pumalo na sa mahigit P429 milyon ang pinsala ng kalamidad na ang pinakamalaki ay sa agrikultura na umabot sa mahigit P388 milyon habang tinataya naman sa P39 milyon ang pinsala sa imprastraktura at mahigit sa isang milyon sa pribadong ari-arian.

Puspusan naman ang ginagawang tulong ng pamahaalan sa mga residenteng apektado ng kalamidad. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply