10 swak sa kulungan sa tomahan sa kalye

SA KULUNGAN ang bagsak ng 10 katao matapos maaktuhang umiinom sa kalye na ipinagbabawal sa Caloocan City Huwebes ng gabi, Hunyo 16.

Isa lamang ang pinangalanan sa sa sampung nahuli ng mga nagrorondang pulis, ito ay si Ronaldo Ajero, 42, residente ng Sawata, Maypajo, ng nabanggti na lungsod.

Sa report, nagganap ang panghuhuli dakong alas-onse kagabi nang magpatrulya ang mga pulis sa Maypajo, A. Mabini at iba pang lugar sa lungsod.

Dahil sa ipinatutupad na ordinansa ng lungsod na bawal ang mag-inuman sa kalye ay agad na pinagdadampot ang mga nadakip kasama ang mga alak na iniinom bilang ebidensiya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply