100 OFW mula Yemen balik-Pinas na

NAKABALIK na sa  bansa mula sa Yemen ang mahigit sa 100 overseas Filipino worker (OFW) matapos na iutos ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapalikas sa mga ito mula sa naturang bansa.

Karamihan sa mga bumalik sa bansa ay mga menor de edad. Maraming Pinoy ang nasi na magpaiwan doon.

Sinabi ni Philippine charge d’affaires Ezzedin Tago, hindi nila mapipilit mapauwi ang mga Pinoy sa Yemen dahil ligtas naman ang mga ito sa mga lugar na kanilang kinaroroonan at hindi nila maiwanan ang kanilang mga trabaho.

Ngayong araw, Hunyo 8, ay nakatakda ring dumating ang 26 pa na OFW.

Sa bilang, mahigit 2,000 OFW sa Yemen, 200 lamang ang nais na umuwi sa bansa.

Naglaan naman ang pamahalaan ng P2 milyon reintegration fund ng mga OFW na gustong magpa-repatriate at umaasa ang DFA na sa mga susunod na araw ay mas marami pang Pinoy ang uuwi sa bansa.

Patuloy na nakataas sa level 4 ang crisis situation sa naturang lugar at pilit nang pinauuwi ang mga OFW ngunit binabalewala ang kautusan ng ahensya upang tumugon sa panawagan.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Rafael Seguis, matigas pa rin ang ilang kababayan na lisanin ang siyudad ng Sanaa na sentro ng kaguluhan.

Tiniyak naman ng Embahada ng Pilipinas sa Yemen na walang dapat ikabahala ang mga mapapauwing OFW dahil may nakahandang programa at tulong pinansyal para sa mga ito pagbalik ng bansa.

Samantala, nananatili pa rin ang alert status sa iba pang bansa sa Middle East tulad sa Libya at Syria.

Unti-unti namang bumubuti ang sitwasyon sa Bahrain.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply